Sunday, July 31, 2016

Lapu-Lapu


     Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapu-lapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at pamilya Lapu-Lapu (Lapulapu). Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapu-lapu sa kanyang alok.

     Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zulla, kaaway ni Lapu-lapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa lokal ng Maktan. Hatinggabi ng 26 Abril 1521 nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit na isang libo ay naglayag upang sakupin ang lokal ng maktan.Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapu-lapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapu-lapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Maktan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapu-lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito siya tuluyang pinatay ng mga sakop ni Lapu-lapu.





Andres Bonifacio


     Noong 7 Hulyo 1892, isang araw pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay Rizal, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan, o kapag binuo ay Kataastaasang KagalanggalangangKatipunan ng mga Anak ng Bayan.Ang lihim na samahan ay naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong himagsikan.




Ramon Magsaysay


     Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. SiLuis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

     Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.

No comments:

Post a Comment